Friday, November 27, 2009

Stupidity.

I just realized that I AM (yes, at present, I mean, just a few moments ago) hurting myself yet again.

A few minutes ago, I was looking at my ex-boyfriend's page at Friendster. Frankly, I found him cute on his current profile photo.

A few minutes ago, I was looking at my boyfriend's ex-girlfriend's Multiply site (which, I have discovered, is not updated. Because if it really is, she would have removed all of his comments there. Technically, the site still has his comments.) and a few days ago, her Friendster account.

A few days ago, I was busy looking at the pictures of my boyfriend with that ex-girlfriend, on his Multiply account. Honestly, those really did not bother me in the beginning, but I guess it starts to as time goes by. So, I honestly told him what I felt, and I'm thankful that he removed the photo albums which involved them.

As I was kinda hopeless in my coding spree, this came to my thoughts: why am I doing this, if I know doing these things hurt me so much?

Maybe, because...

I am amazed on how things and time fly by so fast. There came to a point in my life that one close friend was just someone whom I share my detailed experiences with, and little did we know that this close friend and I would actually end up being together.

I am amazed on the situations I have been through. (Magta-Tagalog na ko ha? Di ko na kaya eh. Hahaha.) Dati kasi, itong close friend ko na ito, nattiyempuhan kong online, tapos magkaaway daw sila ng girlfriend niya. Ngayon, ako na ang umaaway sa kanya. Hahaha. (Di naman ako ganun ka-harsh.)

Nakakatuwa lang isipin talaga na talagang mapaglaro ang tadhana.

At masaya ako sa kinahinatnan ko ngayon.

Pero kung bakit ko sinasaktan ang sarili ko, maliban pa sa aking amazement (meron bang word na ganyan?) sa mga nakaraang pangyayari, honestly, di ko talaga alam. Siguro e sadyang sira-ulo lang ako. Adik eh.

Siguro, para gisingin ang sarili ko sa kung anong meron ako ngayon. Siguro ganun na lang talaga ang nakaraan: mga alaalang hindi na mababalikan, kasi iba na ang kasalukuyan, which then affects kung anong viewpoint mo ngayon sa hinaharap.

Siguro, para marealize ko kung gaano ako ka-blessed ngayon. Not just merely on having that close friend with me, pero sa kung ano pa mang magagandang nangyari sa buhay ko, on the side.

Pero as of this moment, I'm telling myself to stop. Tama na. Itigil na ang mga kagaguhang pananakit sa sarili.

Nasasaktan nga ba ako dahil may mga hurts and grudges pa ko?

Wala na akong makita sa puso kong ganun.

Tama na. Ngayon, itinataga ko sa sarili ko na hindi ko na sasaktan ang sarili ko sa kakagawa ng mga hindi na tamang bagay tulad ng mga ginawa ko. I am blessed. So blessed. Siguro e binabatukan rin ako ng Diyos sa kung bakit ko ito ginagawa, pero hindi naman talaga dapat.

And now, I have decided.

Una, gusto ko nang seryosohin ang mga bagay-bagay. Pa-unti-unti. Seseryosohin ko na ang buhay ko. Unti-unti akong babawi sa pamilya ko. Unti-unti akong uusad para makabangon sa lahat ng mga pagkakamali ko. Unti-unti kong tutuparin ang mga pangarap ko.

Pangalawa, mamahalin ko pa ang aking kasintahan. Hehehe. Narito na naman ako, nagiging makeso. Minsan lang naman ako magmahal eh. Maswerte ako kasi ang taong mahal ko ngayon ay mahal din talaga ako, at hindi siya nagkukulang. Gusto kong makabawi sa lahat ng pagmamahal na binibigay niya. Gusto ko pang maging mas mabuting kaibigan sa kanya. Gusto kong maging mas mabuting tao sa kanya. Gusto ko pang maging mas mapang-unawa at mas pasensyoso sa mga nagiging pagkakamali niya. Alam kong nababasa mo ito. Nais kong sabihin sa buong mundo na mahal na mahal kita.

Higit sa lahat, gusto ko pang makabawi sa Panginoon ko. Wala naman nang iba pang nagmahal sa akin ng higit pa sa buhay Niya, kundi Siya lang. In more ways than one, pipilitin kong ipamahagi ang pagmamahal ko sa iba, at pipilitin kong ibalik sa Kanya ang pagmamahal na ibinibigay Niya.

Now, I'm stopping this blog entry.

And now, I'll start to really love myself more.

No comments:

Post a Comment