Ang bigat.
Iniisip kaagad ng tao na kapag nalaman nilang ang kasama nila ay miyembro nito eh ang taong yun ay isa nang perpektong tao. Relihiyoso.
Ano ba ang pananaw niyo sa mga taong SFC? Sa isang taong tulad ko?
Una sa lahat: hindi kami perpektong tao. Kaya please lang, stop judging us. Stop expecting that we are close to being saints. Although may disclaimer: at one point, SFC's strive to be saints. Personally, pangarap ko yun.
Nakakapressure na kapag nalaman ng tao na SFC ka, e dapat ma-meet mo ang expectations nila. Na dapat hindi ka masamang tao, na wala kang ginagawang masama.
Ouch.
Basta ako, eto lang ang masasabi ko: EVERYONE OF US IS A WORK IN PROGRESS: GOD'S WORK IN PROGRESS.
Oo. Marami na sa mga SFC ang mga taong visible proof na posible ang pagbabagong-buhay. Merong mga dating bading, straight na ngayon. Merong mga dating adik, matitinong tao na ngayon. Merong mga dating walang direksyon ang buhay, ngayon mga misyonero na. Maraming tao na proof ng kani-kanilang mga milagro sa buhay. Oo. Lahat kami. Lahat kami ay may kanya-kanyang kwento.
Pero meron pa rin sa amin na kahit solidong SFC ang pinapamukha sa mga tao, e kakikitaan pa rin ng hindi magandang bisyo. Marami pa rin ang naninigarilyo. Marami pa rin ang umiinom na parang wala nang bukas. Meron pa ring mga nambababae o hindi nakukuntento sa kasalukuyang relasyon. Marami pa rin ang nagpapaligaya ng sariling laman na labas sa sakramento ng kasal. At katulad ng mga nakaranas ng magagandang milagro, in the same way, marami rin sa amin ang may ganito pang mga hindi magagandang kwento. Hanggang ngayon.
At ang mga taong yun, hindi ko sinabing mga masasamang tao. Tingin ko sa kanila, na ito talaga ang totoong mukha ng mga SFC: na ang isang SFC ay isang hindi perpektong tao who could have been really worse kung wala sila sa renewal community na tumutulong sa kanila upang kahit paano eh maayos ang buhay nila.
Ano ngayon ang pinagkaiba ng mga hindi perpektong taong ito sa mga ordinaryong tao sa paligid?
Ang mga taong ito acknowledges the presence of God in their life. Oo. Aminado akong mahina rin ako at kabilang ako sa mga sinasabi kong mga hindi perpektong tao. Pero alam ko na kahit ganumpaman eh mahal kami ng Diyos, at hindi kami pinababayaan.
Isa pang punto: ang mga taong hindi perpekto ay nag-eeffort naman kahit paano na maging isang mas mabuti pang tao. Paano? Andiyan ang mga elders sa community upang tulungan kami. Pero kung spiritual battle na talaga ang usapan, ayan ang sakramento ng kumpisal. Para sa amin, ang kumpisal at ang kumpisalan mismo ay isang mahalagang bahagi ng simbahan na dapat hindi kinahihiyang puntahan, ngunit dapat bisitahin at least isang beses man lang sa bawat buwan.
Sa bawat SFC na makikilala niyo, bawat isa sa amin, tulad nga ng sinabi ko, may kanya-kanyang kwento ng mga miracles, ng mga Jesus Christ Experiences, pero bawat isa rin sa amin ay may kwento ng kahinaan. Ok lang naman maging mahina. Basta pag nadapa, bangon lang, bawi ulet. Kung magkamali ulet, bangon ulet. Ang mahalaga, kahit nadadapa ka eh hindi nananatiling nakahandusay sa lupa, pero pinipilit mong bumangon kasi alam mong hindi ka dapat nakadapa, ngunit nakatayo upang ipahayag ang pag-ibig ng Diyos sa bawat isa sa ating lahat.
No comments:
Post a Comment