Wednesday, November 25, 2009

I was just inspired.

Minutes ago, I was busy working. But to keep my mind alive (since as of this moment, I am on a night shift), I was also reading my boyfriend's blogs in his multiply account. Since being close friends for almost three years now (and even being his girlfriend after some time), I was always amazed on his life stories. But somehow, I am just saddened as he had stopped his regular blogging due to an incident which discouraged him to blog. I don't want to push him to go back just yet, but I know that he will always have that thing to write again when the right time comes.

Ok. Tama na ang pag-e-English. Bakit nga ba ako sumulat ngayon?

Hindi ko alam.

Siguro kasi natutuwa ako sa pagbabasa ng mga blog niya. Kahit naman noon pa. Isa akong dakilang fan niya. Maliban na rin sa magaling siya mag-English, e kakikitaan naman kasi ng sense ang mga sinulat niya. Gusto ko rin sanang makasulat ng kahit anong malapit sa ganon. Siguro e mayroon din akong masasabi, ngunit subalit datapwat, hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Marami rin akong mga pinagdaanan na siguro kung ilalahad ko dito e makakatawag din ng atensyon ng mga mambabasa.

So, paano nga ba?

Hindi ko alam.

Pero ano ba ang bumabagabag sa akin? Takot? Takot saan? Na baka mabasa ng aking ina ang kung ano mang ilalabas ko dito at baka sumbatan ako? Na baka husgahan ako ng kung sino mang makakabasa? Na mag-iba ang maging tingin ng tao sa akin? Na pag-isipan ako ng kung ano? Kung wala sa nabanggit, e ano?

Maybe what I need to do now is to find out what story to write, what could hinder me to write that story, and to ask help on how to construct and express that certain story here in this blog. But as for now, I just wanna tell everyone that I am happy to have been one of the fans of the blogger with the username of don_simoun. And sa kung ano pa man ang mga kwento niya, heto ang kanyang mga blogs:

http://just-two-cents.blogspot.com/
http://ryanestandarte.multiply.com/journal

I can attest that his stories are entertaining and inspiring. In a way, idol ko siya. Kasi despite ng lahat ng pinagdaanan niya eh he emerged strong and faithful. Idol ko siya kasi basically, magaling siyang magsulat. Idol ko siya kasi alam kong tao siya na makasalanan tulad nating lahat, yet he humbles himself and acknowledges his weaknesses.

Ngayon ko lang naisip: ang pundasyon ng mga sinulat niya, ay kung ano ang mga naging kahinaan niya. At kung dinaranas pa rin niya ngayon, ok lang yun. At least eh inaamin niya. Tingin ko e dapat lahat ng tao ay ganun. Ang pride, dapat nilulunok na. Kung alam mong mahina ka, sabihin mo. Kung tutuusin, hindi ka naman talaga huhusgahan ng mga taong talagang malapit sayo, bagkus (*nosebleed!*), mas maaappreciate pa nila yun kasi nagiging totoo kang tao hindi lamang sa sarili mo pero sa lahat na rin ng tao sa paligid mo.

No comments:

Post a Comment