Sa mga oras na ito ay aking inaanunsyo na may pride na ako.
Meron naman talaga.
Simple lang naman. Iyon ay isang mumurahin (pero at least brand new) na cellphone. Nokia 1208, colored. Ang network provider, Sun Easy Line 400. Binili (at babayaran ko ang bill) gamit ang aking sariling pinaghirapan. Naks. Mayabang.
Gusto ko sanang mag-Fixed Load Plan, kaya lang katulad rin pala ng regular plan ang mga requirements neto. Naasar ako sa requirements, kaya dun na lang ako sa mas simple. At least meron.
Bakit kinailangan ko pa ng isang cellphone?
Sa mga nakakakilala sa akin, ako ay masugid sa Globe. Matagal na rin ang aking globe na number, at ilang second-hand na cellphone na rin ang pinagdaanan nun. Pero nakikita ko na medyo magastos nga maging Globe-user. Lalo na siguro sa mga tulad ko na may kaibigan sa Sun Cellular na ang hilig ay tumawag na lamang gamit ang unlimited calls neto at nalalaos na ang text. Ayan tuloy, nakikigaya ako. Pero, matuwa na rin sila. At least convenience na sa kanila yun, at sa akin na rin.
Hindi ko pa rin naman isinasawalang-bahala ang aking Globe number dahil kung alam niyo lang, ang isang malayong proyekto ko ay isang mas maayos sanang cellphone para doon. Pagod na ako sa second-hand, na medyo nagtotopak pa. Darating din ang panahon na mabibilhan ko iyon ng kapalit, kasunod ng aking mga kasalukuyang pinag-iipunan.
Sabi ng ilan, ang Sun daw ay para sa mga magkasintahan.
Hmm, siguro nga. Marami sa aking mga kaibigan na magkasintahan ay mga Sun cellular na cellphones. Para nga naman sa mas madaling paraan ng komunikasyon. At kung yun maituturing niyong lihim kong dahilan, hmm..
Pwede rin. Hehehe.
Hindi naman kami nawawalan ng komunikasyon kahit naman wala pa akong Sun kaya lang, nais kong mas mapalapit pa sa kanya, at mas magkaroon pa kami ng oras kahit hindi man pisikal kaming magkasama. Alam kong malaking tulong ito sa amin, at lalo na sa kanya, dahil mababawasan na ang kanyang gastusin sa pagtawag sa akin.
Bago pa lamang ang aming relasyon bilang opisyal na magkasintahan, pero gusto kong bigyang diin ang kahalagahan ng komunikasyon. Ito ay hindi lamang sa mga nag-iibigan, pero dapat ito rin ay nasa pamilya, kaibigan, ka-opisina, at sa lahat ng dapat nating makausap, tulad na lamang ni Papa God. Mahalaga ang komunikasyon upang maipahayag mo nang maliwanag ang laman ng iyong isipan, at upang malaman mo rin ang dapat mong marinig.
Ang mga simpleng pagkakataon para magkaron ng komunikasyon ay wag balewalain. Hindi mo alam kung ano ang iyong pinapalagpas na impormasyong kailangan mo palang malaman. Wag sayangin ang bawat pagkakataong mabibigay upang kayo ay mag-usap. Higit kailanma'y mas itatago mo ang mga pagkakataon ng mga pag-uusap niyo at mas magiging sukatan ito sa kung gaano kayo kalapit sa isa't-isa kaysa sa kung ano pang materyal na bagay na may kinalaman sa inyo.
at kailangan ng globe para di malipat sa midshift. :D hahahha. joke lang. masarap talaga ang feeling ng may output ang pinaghihirapan mo. kaya ituloy mo yan kapuso!
ReplyDelete