Friday, August 28, 2009

Ang Tatlong Klaseng Pork BBQ.

Lokasyon: Intersection ng France St. at Dona Soledad Ave., sa Better Living Subdivision, Paranaque City

Mga imbestigador: heaven_chill at don_simoun. (Oh yes. Blogger din ang kasama ko.)

Barriatos 24hrs.
(Sa may malapit na bakery at Goodah)
-Reportedly the original daw, pero ayon sa aming chismax ay hindi raw iyon ang talagang original. Lasang ordinaryong BBQ. Pwede na rin.

(Yung nasa gitna ng F Salon and Fresh Salon, kung nasan ang pwesto ng dating Barriatos BBQ)
-Ok, wala kasi siyang visible na pangalan kaya yan lang ang pagkakatanda ko. Ayon sa aming imbestigasyon, medyo sumasarap ang kanilang BBQ pag nalagyan na ng suka. Inpernes naman, masarap ang suka nila.

Mang Ambong's
(Sa may malapit sa Banco De Oro)
-Ayon sa aming mga nakapanayam, ito raw ay ang dating nasa pwesto nung sa gitna ng dalawang parlor. Nagkaroon lamang ng kung anu-anong isyu doon kaya nagtayo na lamang sila ng sariling pwesto sa harap ng dati nilang lokasyon. Mabenta ang kanilang BBQ, at hindi maikakailang masarap nga ang BBQ nila dito. Ito raw ang original. At nalasahan naman ng inyong mga imbestigador.



Ang hatol:

-Sa halagang P18 bawat stick ng BBQ, ang pinakamasarap pa rin ay sa Mang Ambong's. Ito ang original na Barriatos BBQ na minamahal ng mga taga Better Living. Hindi kami mga endorser neto, ngunit nais naming ibahagi sa inyo ang aming mapagkumbabang opinyon. Hindi nga lang sila  buong araw na bukas (mula mga alas-4 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi lamang), at wala silang mga mesang mapagkakainan tsaka kahit na binebentang kanin. Kaya kung nais mo ng kanin, e pwede ka bumili dun sa dalawa pang tindahang aking nabanggit. Itago mo na lang ang binili mong BBQ na galing sa Mang Ambong's dahil baka isipin nila ang iyong pagtangkilik sa mahigpit na kakumpitensya.

No comments:

Post a Comment