Friday, August 28, 2009

Ang Tatlong Klaseng Pork BBQ.

Lokasyon: Intersection ng France St. at Dona Soledad Ave., sa Better Living Subdivision, Paranaque City

Mga imbestigador: heaven_chill at don_simoun. (Oh yes. Blogger din ang kasama ko.)

Barriatos 24hrs.
(Sa may malapit na bakery at Goodah)
-Reportedly the original daw, pero ayon sa aming chismax ay hindi raw iyon ang talagang original. Lasang ordinaryong BBQ. Pwede na rin.

(Yung nasa gitna ng F Salon and Fresh Salon, kung nasan ang pwesto ng dating Barriatos BBQ)
-Ok, wala kasi siyang visible na pangalan kaya yan lang ang pagkakatanda ko. Ayon sa aming imbestigasyon, medyo sumasarap ang kanilang BBQ pag nalagyan na ng suka. Inpernes naman, masarap ang suka nila.

Mang Ambong's
(Sa may malapit sa Banco De Oro)
-Ayon sa aming mga nakapanayam, ito raw ay ang dating nasa pwesto nung sa gitna ng dalawang parlor. Nagkaroon lamang ng kung anu-anong isyu doon kaya nagtayo na lamang sila ng sariling pwesto sa harap ng dati nilang lokasyon. Mabenta ang kanilang BBQ, at hindi maikakailang masarap nga ang BBQ nila dito. Ito raw ang original. At nalasahan naman ng inyong mga imbestigador.



Ang hatol:

-Sa halagang P18 bawat stick ng BBQ, ang pinakamasarap pa rin ay sa Mang Ambong's. Ito ang original na Barriatos BBQ na minamahal ng mga taga Better Living. Hindi kami mga endorser neto, ngunit nais naming ibahagi sa inyo ang aming mapagkumbabang opinyon. Hindi nga lang sila  buong araw na bukas (mula mga alas-4 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi lamang), at wala silang mga mesang mapagkakainan tsaka kahit na binebentang kanin. Kaya kung nais mo ng kanin, e pwede ka bumili dun sa dalawa pang tindahang aking nabanggit. Itago mo na lang ang binili mong BBQ na galing sa Mang Ambong's dahil baka isipin nila ang iyong pagtangkilik sa mahigpit na kakumpitensya.

Wednesday, August 26, 2009

Dalawang cellphone.

Sa mga oras na ito ay aking inaanunsyo na may pride na ako.
Meron naman talaga.

Simple lang naman. Iyon ay isang mumurahin (pero at least brand new) na cellphone. Nokia 1208, colored. Ang network provider, Sun Easy Line 400. Binili (at babayaran ko ang bill) gamit ang aking sariling pinaghirapan. Naks. Mayabang.

Gusto ko sanang mag-Fixed Load Plan, kaya lang katulad rin pala ng regular plan ang mga requirements neto. Naasar ako sa requirements, kaya dun na lang ako sa mas simple. At least meron.

Bakit kinailangan ko pa ng isang cellphone?

Sa mga nakakakilala sa akin, ako ay masugid sa Globe. Matagal na rin ang aking globe na number, at ilang second-hand na cellphone na rin ang pinagdaanan nun. Pero nakikita ko na medyo magastos nga maging Globe-user. Lalo na siguro sa mga tulad ko na may kaibigan sa Sun Cellular na ang hilig ay tumawag na lamang gamit ang unlimited calls neto at nalalaos na ang text. Ayan tuloy, nakikigaya ako. Pero, matuwa na rin sila. At least convenience na sa kanila yun, at sa akin na rin.

Hindi ko pa rin naman isinasawalang-bahala ang aking Globe number dahil kung alam niyo lang, ang isang malayong proyekto ko ay isang mas maayos sanang cellphone para doon. Pagod na ako sa second-hand, na medyo nagtotopak pa. Darating din ang panahon na mabibilhan ko iyon ng kapalit, kasunod ng aking mga kasalukuyang pinag-iipunan.

Sabi ng ilan, ang Sun daw ay para sa mga magkasintahan.

Hmm, siguro nga. Marami sa aking mga kaibigan na magkasintahan ay mga Sun cellular na cellphones. Para nga naman sa mas madaling paraan ng komunikasyon. At kung yun maituturing niyong lihim kong dahilan, hmm..

Pwede rin. Hehehe.

Hindi naman kami nawawalan ng komunikasyon kahit naman wala pa akong Sun kaya lang, nais kong mas mapalapit pa sa kanya, at mas magkaroon pa kami ng oras kahit hindi man pisikal kaming magkasama. Alam kong malaking tulong ito sa amin, at lalo na sa kanya, dahil mababawasan na ang kanyang gastusin sa pagtawag sa akin.

Bago pa lamang ang aming relasyon bilang opisyal na magkasintahan, pero gusto kong bigyang diin ang kahalagahan ng komunikasyon. Ito ay hindi lamang sa mga nag-iibigan, pero dapat ito rin ay nasa pamilya, kaibigan, ka-opisina, at sa lahat ng dapat nating makausap, tulad na lamang ni Papa God. Mahalaga ang komunikasyon upang maipahayag mo nang maliwanag ang laman ng iyong isipan, at upang malaman mo rin ang dapat mong marinig.

Ang mga simpleng pagkakataon para magkaron ng komunikasyon ay wag balewalain. Hindi mo alam kung ano ang iyong pinapalagpas na impormasyong kailangan mo palang malaman. Wag sayangin ang bawat pagkakataong mabibigay upang kayo ay mag-usap. Higit kailanma'y mas itatago mo ang mga pagkakataon ng mga pag-uusap niyo at mas magiging sukatan ito sa kung gaano kayo kalapit sa isa't-isa kaysa sa kung ano pang materyal na bagay na may kinalaman sa inyo.