Monday, December 14, 2009

Apostles' Creed, by Mheng Torres

I believe in God, our Holy Father, who created heaven and earth.

I believe in Jesus His Son, who was conceived by our Mother because of her obedience through the power of the Spirit, to preach and to heal, but suffered and murdered proclaiming the Kingdom of God and for the atonement of sins, and as proclaimed, he rose again and seated at the right hand of our Father. He will come again to judge everyone from the past 'til the end of time.

I believe in the Spirit of God, the Holy Catholic Church, the foundation of Jesus, the communion of those who followed him, the forgiveness of sins for those who repent, the resurrection of the body and spirit, and everlasting life in the new earth Jesus promised. Amen.

Thursday, December 10, 2009

How you can really save the Philippines.

(a repost from: http://www.facebook.com/notes/definitely-filipino/how-you-can-really-save-the-philippines/195574934793)


It’s easy to say we love the Philippines, that we are full of Pinoy pride, etc. But how much of that feeling translates into action?

The best way to show love for country is in the little things we take for granted. No need to be heroic and get shot in Luneta to contribute to nation-building. Here are fifteen small changes you can do to start. There are over 300, 000 members of DF. Imagine how much we could change the Philippines if all of us did these!



1. Hold that straw! Plastic straws are among the most abundant debris found on beaches. Marine animals nibble on these, thinking they’re food. Remember: you are fully capable of drinking without the help of a plastic appendage.

2. Donate those tarps! Tarpaulins are made of non-biodegradable and non-recyclable stuff. Instead of throwing them away, donate them to Earth Day Network, an environmental NGO that turns them into schoolbags for less fortunate children around the Philippines. Contact Ms. Binggirl Clemente at earthday_village@yahoo.com for more details.

3. Chuck those (disposable) chopsticks: when dining at any Asian restaurant, bring your own reusable chopsticks. Though wooden chopsticks are biodegradable, they take a long time to decay and just add to the volume of solid waste in dumpsites. The annual production of chopsticks uses up to 90, 000 tons of wood, which comes from trees—climax of the plant kingdom and lungs of the earth.

4. Think big, buy big. We Filipinos have a tingi-tingi culture where everything must come small. Imagine the amount of waste we’d reduce if we bought in bulk! Instead of buying in sachets, reach for the big bottle. When traveling, just put the contents in smaller, refillable bottles that you can buy in any department store.

5. BamBOO YEAH: instead of planting a tree, plant bamboo—it’s a kind of grass, which means it grows faster. Other bamboo bonuses: it doesn’t need fertilizer, generates 35% more oxygen than a tree, and stores more CO2.

6. When buying ice cream, choose cones over cups. Note: cones are edible, cups are disposable.

7. Be a botante and not a bobotante: in the upcoming 2010 elections, read up on your candidates. See if there’s any green platform behind the yellow, the orange, and the hand symbols.

8. Spread the word: one person can make difference if she reduces her waste. But if she tells others, then those others tell even more others, then we can begin to effect change. It may be important to practice what you preach, but it’s equally important to preach what you practice.

9. Paper or plastic? One ton of paper bags is equivalent to 17 trees and generates five times as much solid waste as plastic. One ton of plastic bags consumes 11 barrels of crude oil and takes 1000 years to decompose. The answer: neither – bring your own! You can carry an eco-bag or just put your purchase in your own bag. While you’re at it, tell the cashier that you don’t need a plastic bag ‘cause you want to save the world. Trust us, it’ll make her smile.

10. Bring your own water bottle! 2.7 million tons of plastic are used for bottled water annually, about 90% of which end up in landfills. An average mineral water bottle costs about P20. If you stop buying one or two bottles a day, you can save up to P1120 a month. While you’re at it, bring your own tumbler too! When you’re going to meet your friends for coffee, hand the barista your own tumbler or ask for your drink in a mug. Starbucks Philippines even gives a P5 discount for those who bring their own!

11. Need to reload? Go to your nearest e-load or autoload suki! Those prepaid cards are made from and individually wrapped in plastic.

12. Learn to love refillables! When buying pens and highlighters, choose those that are refillable, like Stabilo. That way, when the ink runs out, you no longer have to buy new ones. Just walk to your nearest bookstore and ask for a refill.

13. Eliminate phantom drain: Believe your charger when it says BATTERY FULL – it does not lie. Plugged chargers still consume energy.

14. Give me the “green” light: Replace those incandescent bulbs into Compact Fluorescent Lightbulbs (CFLs). They may cost a bit more, but think long-term: CFLs consume ¼ of the electricity and last several years longer. Plus, they look like vanilla swirl ice cream!

15. Tara na, biyahe tayo! Have you trekked the Banaue Rice Terraces, chased after whale sharks in Donsol, and viewed the Chocolate Hills of Bohol? Explore your country’s natural resources to remind yourself what it is you are saving. After all, you can only protect what you love, and love what you experience.


Remember: we can’t advocate for big changes if we can’t do the little ones. The late Ninoy Aquino said that the Filipino is worth dying for. Allow me to rephrase: the Filipino is worth living for and most definitely worth greening for. Now go forth and greenify!




by Anna Oposa

Anna Oposa is writing a day early because she is in Japan for the Denso Youth for Earth Action Program to present an environmental project she will implement in UP-Diliman. By tomorrow, she will no longer have Internet access. On the 11th, she will be speaking in front of an international crowd wearing a Filipiniana.

Wednesday, December 9, 2009

Friends come and go.

Merong isang pagkakataon na nakapag-usap ulit kami ng isang dating malapit na kaibigan. Natuwa ako sa pagkakataong yun kasi matagal na rin talaga ang huling beses na nagkausap kami kahit online lamang. At sa aming pag-uusap, kanyang pinakita ang mga graduation pictures niya na matagal na rin niyang ipinangako sa aking ipapakita niya (Ayaw niya kasi i-upload. Di ko alam kung bakit.).

Sa aking pagtingin sa kanyang mga litrato, hindi ko naiwasang magkomento, hanggang sa hindi ko namalayan, hindi na pala siya natutuwa sa mga nasabi ko. Humingi na lamang ako ng paumanhin sa aking mga nasabi, pero simula nung oras na iyon, may bumabagabag na sa akin.

As always, he has been open na hindi na nga siya natutuwa sa mga nasabi ko. Siguro e masyado akong naging kampante na tatanggapin lang niya ang mga sasabihin ko. Siguro e nasanay na rin akong magkomento sa litrato. Siguro masyado lang talaga akong naging taklesa. O siguro, hindi na nga rin kami talaga katulad ng dati.

At kung yung huling pangungusap nga ang pinakamabigat na dahilan, lubos naman akong nasasaktan.

Sa tagal ng aming communication gap, parang unti-unting napalayo ang loob ko sa kanya. Nagkakaroon na pala ng lamat ang dating inakala kong isang bagay na pang-habangbuhay.

At sa ngayon, sa totoo lang, hindi ko alam ang aking susunod na gagawin. Kung ililigtas ko pa ba ang dating samahan namin, o hahayaan ko na lamang na tuluyan na naming hindi na maibalik ang dati.

Mga ilang oras lamang ang nakalipas mula sa paggawa ng blog na ito, ay ka-chat ko naman sa Windows Live Messenger ang aking ka-opisinang matagal namang lumiban sa trabaho dahil nagkasakit. Nagulat na lamang ako na sa aking pangungumusta at sa aming pag-uusap ay binanggit niyang ako raw ang bestfriend niya dito sa opisina. BFF's na nga raw kami. (Corny ba? Hahaha. Inpernes ah, lalaki rin yan.)

Lubos ko namang ikinatuwa na ganun na pala ang nagiging presensya ko sa kanya. Hindi ko naman iyon itinanggi at ipinagkait sa kanya, bagkus, sa sumunod pa naming chat session at sa aming paglabas upang bumili ng pagkain e "bes" na ang naging tawagan namin.

Si Bes kong ito ay ang nagiging gamot sa sakit na naidulot ng pagkawalay sa akin ng isang kaibigan na kadugo ko na ang turing. Masaya naman ako ngayon kasi si Bes ay aking kasabay sa shift, at hindi pa kami magkalayo ng tirahan, kaya isang tao rin siyang alam kong maaari ko ring takbuhan.

Siguro nga talaga, friends come and go. Pati mga dati kong kabarkada, isa-isa na ring nawawala. Iilang mga tao na lang ang talagang natitira sa buhay kong nananatiling malalapit sa akin. Pero sa bawat pagkawala naman ng isang kaibigan, marami namang mga bagong mukha na pumapalit.

Pero hindi porket "friends come and go" nga eh hahayaan na lang rin natin na maging ganun ang mga pangyayari. Naniniwala pa rin ako na kung pagkakaibigan lang naman ang relasyon, maaari pa namang masagip yun. Alam kong iba pa rin ang ligayang madudulot ng mga "old friends" na talagang tumatak na sa mga puso at isip nating lahat.

Basta ang importante ngayon, pahalagahan ang bawat kaibigan. Binigay yan ng Panginoon upang may gawing isang importanteng bagay sa buhay mo. Ikaw na bahalang umalam ng dapat nilang maging misyon sa iyo. Kung sakaling mawala man sila, malungkot, oo, pero dapat maging masaya ka pa rin dahil dumaan sila sa buhay mo upang magdagdag ng kulay sa dating ordinaryo mong mundo.

Friday, November 27, 2009

Stupidity.

I just realized that I AM (yes, at present, I mean, just a few moments ago) hurting myself yet again.

A few minutes ago, I was looking at my ex-boyfriend's page at Friendster. Frankly, I found him cute on his current profile photo.

A few minutes ago, I was looking at my boyfriend's ex-girlfriend's Multiply site (which, I have discovered, is not updated. Because if it really is, she would have removed all of his comments there. Technically, the site still has his comments.) and a few days ago, her Friendster account.

A few days ago, I was busy looking at the pictures of my boyfriend with that ex-girlfriend, on his Multiply account. Honestly, those really did not bother me in the beginning, but I guess it starts to as time goes by. So, I honestly told him what I felt, and I'm thankful that he removed the photo albums which involved them.

As I was kinda hopeless in my coding spree, this came to my thoughts: why am I doing this, if I know doing these things hurt me so much?

Maybe, because...

I am amazed on how things and time fly by so fast. There came to a point in my life that one close friend was just someone whom I share my detailed experiences with, and little did we know that this close friend and I would actually end up being together.

I am amazed on the situations I have been through. (Magta-Tagalog na ko ha? Di ko na kaya eh. Hahaha.) Dati kasi, itong close friend ko na ito, nattiyempuhan kong online, tapos magkaaway daw sila ng girlfriend niya. Ngayon, ako na ang umaaway sa kanya. Hahaha. (Di naman ako ganun ka-harsh.)

Nakakatuwa lang isipin talaga na talagang mapaglaro ang tadhana.

At masaya ako sa kinahinatnan ko ngayon.

Pero kung bakit ko sinasaktan ang sarili ko, maliban pa sa aking amazement (meron bang word na ganyan?) sa mga nakaraang pangyayari, honestly, di ko talaga alam. Siguro e sadyang sira-ulo lang ako. Adik eh.

Siguro, para gisingin ang sarili ko sa kung anong meron ako ngayon. Siguro ganun na lang talaga ang nakaraan: mga alaalang hindi na mababalikan, kasi iba na ang kasalukuyan, which then affects kung anong viewpoint mo ngayon sa hinaharap.

Siguro, para marealize ko kung gaano ako ka-blessed ngayon. Not just merely on having that close friend with me, pero sa kung ano pa mang magagandang nangyari sa buhay ko, on the side.

Pero as of this moment, I'm telling myself to stop. Tama na. Itigil na ang mga kagaguhang pananakit sa sarili.

Nasasaktan nga ba ako dahil may mga hurts and grudges pa ko?

Wala na akong makita sa puso kong ganun.

Tama na. Ngayon, itinataga ko sa sarili ko na hindi ko na sasaktan ang sarili ko sa kakagawa ng mga hindi na tamang bagay tulad ng mga ginawa ko. I am blessed. So blessed. Siguro e binabatukan rin ako ng Diyos sa kung bakit ko ito ginagawa, pero hindi naman talaga dapat.

And now, I have decided.

Una, gusto ko nang seryosohin ang mga bagay-bagay. Pa-unti-unti. Seseryosohin ko na ang buhay ko. Unti-unti akong babawi sa pamilya ko. Unti-unti akong uusad para makabangon sa lahat ng mga pagkakamali ko. Unti-unti kong tutuparin ang mga pangarap ko.

Pangalawa, mamahalin ko pa ang aking kasintahan. Hehehe. Narito na naman ako, nagiging makeso. Minsan lang naman ako magmahal eh. Maswerte ako kasi ang taong mahal ko ngayon ay mahal din talaga ako, at hindi siya nagkukulang. Gusto kong makabawi sa lahat ng pagmamahal na binibigay niya. Gusto ko pang maging mas mabuting kaibigan sa kanya. Gusto kong maging mas mabuting tao sa kanya. Gusto ko pang maging mas mapang-unawa at mas pasensyoso sa mga nagiging pagkakamali niya. Alam kong nababasa mo ito. Nais kong sabihin sa buong mundo na mahal na mahal kita.

Higit sa lahat, gusto ko pang makabawi sa Panginoon ko. Wala naman nang iba pang nagmahal sa akin ng higit pa sa buhay Niya, kundi Siya lang. In more ways than one, pipilitin kong ipamahagi ang pagmamahal ko sa iba, at pipilitin kong ibalik sa Kanya ang pagmamahal na ibinibigay Niya.

Now, I'm stopping this blog entry.

And now, I'll start to really love myself more.

Wednesday, November 25, 2009

Singles for Christ.

Ang bigat.

Iniisip kaagad ng tao na kapag nalaman nilang ang kasama nila ay miyembro nito eh ang taong yun ay isa nang perpektong tao. Relihiyoso.

Ano ba ang pananaw niyo sa mga taong SFC? Sa isang taong tulad ko?

Una sa lahat: hindi kami perpektong tao. Kaya please lang, stop judging us. Stop expecting that we are close to being saints. Although may disclaimer: at one point, SFC's strive to be saints. Personally, pangarap ko yun.

Nakakapressure na kapag nalaman ng tao na SFC ka, e dapat ma-meet mo ang expectations nila. Na dapat hindi ka masamang tao, na wala kang ginagawang masama.

Ouch.

Basta ako, eto lang ang masasabi ko: EVERYONE OF US IS A WORK IN PROGRESS: GOD'S WORK IN PROGRESS.

Oo. Marami na sa mga SFC ang mga taong visible proof na posible ang pagbabagong-buhay. Merong mga dating bading, straight na ngayon. Merong mga dating adik, matitinong tao na ngayon. Merong mga dating walang direksyon ang buhay, ngayon mga misyonero na. Maraming tao na proof ng kani-kanilang mga milagro sa buhay. Oo. Lahat kami. Lahat kami ay may kanya-kanyang kwento.

Pero meron pa rin sa amin na kahit solidong SFC ang pinapamukha sa mga tao, e kakikitaan pa rin ng hindi magandang bisyo. Marami pa rin ang naninigarilyo. Marami pa rin ang umiinom na parang wala nang bukas. Meron pa ring mga nambababae o hindi nakukuntento sa kasalukuyang relasyon. Marami pa rin ang nagpapaligaya ng sariling laman na labas sa sakramento ng kasal. At katulad ng mga nakaranas ng magagandang milagro, in the same way, marami rin sa amin ang may ganito pang mga hindi magagandang kwento. Hanggang ngayon.

At ang mga taong yun, hindi ko sinabing mga masasamang tao. Tingin ko sa kanila, na ito talaga ang totoong mukha ng mga SFC: na ang isang SFC ay isang hindi perpektong tao who could have been really worse kung wala sila sa renewal community na tumutulong sa kanila upang kahit paano eh maayos ang buhay nila.

Ano ngayon ang pinagkaiba ng mga hindi perpektong taong ito sa mga ordinaryong tao sa paligid?

Ang mga taong ito acknowledges the presence of God in their life. Oo. Aminado akong mahina rin ako at kabilang ako sa mga sinasabi kong mga hindi perpektong tao. Pero alam ko na kahit ganumpaman eh mahal kami ng Diyos, at hindi kami pinababayaan.

Isa pang punto: ang mga taong hindi perpekto ay nag-eeffort naman kahit paano na maging isang mas mabuti pang tao. Paano? Andiyan ang mga elders sa community upang tulungan kami. Pero kung spiritual battle na talaga ang usapan, ayan ang sakramento ng kumpisal. Para sa amin, ang kumpisal at ang kumpisalan mismo ay isang mahalagang bahagi ng simbahan na dapat hindi kinahihiyang puntahan, ngunit dapat bisitahin at least isang beses man lang sa bawat buwan.

Sa bawat SFC na makikilala niyo, bawat isa sa amin, tulad nga ng sinabi ko, may kanya-kanyang kwento ng mga miracles, ng mga Jesus Christ Experiences, pero bawat isa rin sa amin ay may kwento ng kahinaan. Ok lang naman maging mahina. Basta pag nadapa, bangon lang, bawi ulet. Kung magkamali ulet, bangon ulet. Ang mahalaga, kahit nadadapa ka eh hindi nananatiling nakahandusay sa lupa, pero pinipilit mong bumangon kasi alam mong hindi ka dapat nakadapa, ngunit nakatayo upang ipahayag ang pag-ibig ng Diyos sa bawat isa sa ating lahat.

I was just inspired.

Minutes ago, I was busy working. But to keep my mind alive (since as of this moment, I am on a night shift), I was also reading my boyfriend's blogs in his multiply account. Since being close friends for almost three years now (and even being his girlfriend after some time), I was always amazed on his life stories. But somehow, I am just saddened as he had stopped his regular blogging due to an incident which discouraged him to blog. I don't want to push him to go back just yet, but I know that he will always have that thing to write again when the right time comes.

Ok. Tama na ang pag-e-English. Bakit nga ba ako sumulat ngayon?

Hindi ko alam.

Siguro kasi natutuwa ako sa pagbabasa ng mga blog niya. Kahit naman noon pa. Isa akong dakilang fan niya. Maliban na rin sa magaling siya mag-English, e kakikitaan naman kasi ng sense ang mga sinulat niya. Gusto ko rin sanang makasulat ng kahit anong malapit sa ganon. Siguro e mayroon din akong masasabi, ngunit subalit datapwat, hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Marami rin akong mga pinagdaanan na siguro kung ilalahad ko dito e makakatawag din ng atensyon ng mga mambabasa.

So, paano nga ba?

Hindi ko alam.

Pero ano ba ang bumabagabag sa akin? Takot? Takot saan? Na baka mabasa ng aking ina ang kung ano mang ilalabas ko dito at baka sumbatan ako? Na baka husgahan ako ng kung sino mang makakabasa? Na mag-iba ang maging tingin ng tao sa akin? Na pag-isipan ako ng kung ano? Kung wala sa nabanggit, e ano?

Maybe what I need to do now is to find out what story to write, what could hinder me to write that story, and to ask help on how to construct and express that certain story here in this blog. But as for now, I just wanna tell everyone that I am happy to have been one of the fans of the blogger with the username of don_simoun. And sa kung ano pa man ang mga kwento niya, heto ang kanyang mga blogs:

http://just-two-cents.blogspot.com/
http://ryanestandarte.multiply.com/journal

I can attest that his stories are entertaining and inspiring. In a way, idol ko siya. Kasi despite ng lahat ng pinagdaanan niya eh he emerged strong and faithful. Idol ko siya kasi basically, magaling siyang magsulat. Idol ko siya kasi alam kong tao siya na makasalanan tulad nating lahat, yet he humbles himself and acknowledges his weaknesses.

Ngayon ko lang naisip: ang pundasyon ng mga sinulat niya, ay kung ano ang mga naging kahinaan niya. At kung dinaranas pa rin niya ngayon, ok lang yun. At least eh inaamin niya. Tingin ko e dapat lahat ng tao ay ganun. Ang pride, dapat nilulunok na. Kung alam mong mahina ka, sabihin mo. Kung tutuusin, hindi ka naman talaga huhusgahan ng mga taong talagang malapit sayo, bagkus (*nosebleed!*), mas maaappreciate pa nila yun kasi nagiging totoo kang tao hindi lamang sa sarili mo pero sa lahat na rin ng tao sa paligid mo.

Tuesday, September 8, 2009

Toe tales.

Ang tagalog ng fingers, ay daliri.

Kung ating iisa-isahin:
  • thumb - hinlalaki
  • pointing finger - hintuturo
  • middle finger - hinlalato
  • ring finger - palasinsingan
  • pinkie finger - hinliliit
Funny to think about this though, pero, hmm..

Ano ba sa tagalog ang toes? Daliri sa paa?

Then what about each one of them? Wala bang specific na tawag dun?

Parang ang unfair.

Friday, August 28, 2009

Ang Tatlong Klaseng Pork BBQ.

Lokasyon: Intersection ng France St. at Dona Soledad Ave., sa Better Living Subdivision, Paranaque City

Mga imbestigador: heaven_chill at don_simoun. (Oh yes. Blogger din ang kasama ko.)

Barriatos 24hrs.
(Sa may malapit na bakery at Goodah)
-Reportedly the original daw, pero ayon sa aming chismax ay hindi raw iyon ang talagang original. Lasang ordinaryong BBQ. Pwede na rin.

(Yung nasa gitna ng F Salon and Fresh Salon, kung nasan ang pwesto ng dating Barriatos BBQ)
-Ok, wala kasi siyang visible na pangalan kaya yan lang ang pagkakatanda ko. Ayon sa aming imbestigasyon, medyo sumasarap ang kanilang BBQ pag nalagyan na ng suka. Inpernes naman, masarap ang suka nila.

Mang Ambong's
(Sa may malapit sa Banco De Oro)
-Ayon sa aming mga nakapanayam, ito raw ay ang dating nasa pwesto nung sa gitna ng dalawang parlor. Nagkaroon lamang ng kung anu-anong isyu doon kaya nagtayo na lamang sila ng sariling pwesto sa harap ng dati nilang lokasyon. Mabenta ang kanilang BBQ, at hindi maikakailang masarap nga ang BBQ nila dito. Ito raw ang original. At nalasahan naman ng inyong mga imbestigador.



Ang hatol:

-Sa halagang P18 bawat stick ng BBQ, ang pinakamasarap pa rin ay sa Mang Ambong's. Ito ang original na Barriatos BBQ na minamahal ng mga taga Better Living. Hindi kami mga endorser neto, ngunit nais naming ibahagi sa inyo ang aming mapagkumbabang opinyon. Hindi nga lang sila  buong araw na bukas (mula mga alas-4 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi lamang), at wala silang mga mesang mapagkakainan tsaka kahit na binebentang kanin. Kaya kung nais mo ng kanin, e pwede ka bumili dun sa dalawa pang tindahang aking nabanggit. Itago mo na lang ang binili mong BBQ na galing sa Mang Ambong's dahil baka isipin nila ang iyong pagtangkilik sa mahigpit na kakumpitensya.

Wednesday, August 26, 2009

Dalawang cellphone.

Sa mga oras na ito ay aking inaanunsyo na may pride na ako.
Meron naman talaga.

Simple lang naman. Iyon ay isang mumurahin (pero at least brand new) na cellphone. Nokia 1208, colored. Ang network provider, Sun Easy Line 400. Binili (at babayaran ko ang bill) gamit ang aking sariling pinaghirapan. Naks. Mayabang.

Gusto ko sanang mag-Fixed Load Plan, kaya lang katulad rin pala ng regular plan ang mga requirements neto. Naasar ako sa requirements, kaya dun na lang ako sa mas simple. At least meron.

Bakit kinailangan ko pa ng isang cellphone?

Sa mga nakakakilala sa akin, ako ay masugid sa Globe. Matagal na rin ang aking globe na number, at ilang second-hand na cellphone na rin ang pinagdaanan nun. Pero nakikita ko na medyo magastos nga maging Globe-user. Lalo na siguro sa mga tulad ko na may kaibigan sa Sun Cellular na ang hilig ay tumawag na lamang gamit ang unlimited calls neto at nalalaos na ang text. Ayan tuloy, nakikigaya ako. Pero, matuwa na rin sila. At least convenience na sa kanila yun, at sa akin na rin.

Hindi ko pa rin naman isinasawalang-bahala ang aking Globe number dahil kung alam niyo lang, ang isang malayong proyekto ko ay isang mas maayos sanang cellphone para doon. Pagod na ako sa second-hand, na medyo nagtotopak pa. Darating din ang panahon na mabibilhan ko iyon ng kapalit, kasunod ng aking mga kasalukuyang pinag-iipunan.

Sabi ng ilan, ang Sun daw ay para sa mga magkasintahan.

Hmm, siguro nga. Marami sa aking mga kaibigan na magkasintahan ay mga Sun cellular na cellphones. Para nga naman sa mas madaling paraan ng komunikasyon. At kung yun maituturing niyong lihim kong dahilan, hmm..

Pwede rin. Hehehe.

Hindi naman kami nawawalan ng komunikasyon kahit naman wala pa akong Sun kaya lang, nais kong mas mapalapit pa sa kanya, at mas magkaroon pa kami ng oras kahit hindi man pisikal kaming magkasama. Alam kong malaking tulong ito sa amin, at lalo na sa kanya, dahil mababawasan na ang kanyang gastusin sa pagtawag sa akin.

Bago pa lamang ang aming relasyon bilang opisyal na magkasintahan, pero gusto kong bigyang diin ang kahalagahan ng komunikasyon. Ito ay hindi lamang sa mga nag-iibigan, pero dapat ito rin ay nasa pamilya, kaibigan, ka-opisina, at sa lahat ng dapat nating makausap, tulad na lamang ni Papa God. Mahalaga ang komunikasyon upang maipahayag mo nang maliwanag ang laman ng iyong isipan, at upang malaman mo rin ang dapat mong marinig.

Ang mga simpleng pagkakataon para magkaron ng komunikasyon ay wag balewalain. Hindi mo alam kung ano ang iyong pinapalagpas na impormasyong kailangan mo palang malaman. Wag sayangin ang bawat pagkakataong mabibigay upang kayo ay mag-usap. Higit kailanma'y mas itatago mo ang mga pagkakataon ng mga pag-uusap niyo at mas magiging sukatan ito sa kung gaano kayo kalapit sa isa't-isa kaysa sa kung ano pang materyal na bagay na may kinalaman sa inyo.