Noon, hindi ako iyakin. Madalas, naiiyak ako sa mababaw na bagay (tulad nang pag nilipat ni mama yung channel sa TV e paboritong movie ko yung palabas), o kaya kung gusto kong maiyak sa mga emo sessions ng mga retreat na pinupuntahan ko e kelangan ko pa pilitin ang sarili ko na umiyak (yung matagal kang hindi pipikit.. na-try mo na?)
Pero napansin ko, habang tumatagal kami ng bf ko, e bumababaw ang luha ko. Minsan, kaunting emosyon lang, naiiyak na ko. Pag nagagalit siya o kung may hindi kami pagkakaintidihan, naiiyak ako. Pag naiisip ko ang kinahinatnan ko dito sa opisina, naiiyak na ako. Kanina lang habang nagbabasa ako ng isang blog entry e naiiyak na naman ako.
In lighter sense, sabihin na lang din natin na mas madali na rin akong masaktan, physically. Noon, nakagat ako ng pusa and I had to endure 9 shots nung dinala ako sa RITM. Pero nung nakaraang nagkasakit ako, kinailangan din akong turukan ng gamot dahil medyo malala ang sakit ko (tonsilitis at UTI.. naknang.. ayaw naman masyadong magsabay-sabay nung mga bacteria na yun noh?), sumigaw ako nung kinunan ako ng dugo (at nagkapasa din later on), sumigaw ako habang sa skin test pa lang nung gamot, at lalo na nung actual injection na (kahit dapat hindi masyadong masakit ang turok saken kasi sa pwet naman ang site.. pero ewan ko ba..).. pagkatapos ng mga turok na yan, nanghina ako. Hindi ko tuloy lubos maisip kung paano ako nakatagal nung gabing nasa RITM ako.
Balik tayo sa iyakan issue.
Advantageous ba pag mababaw ang luha mo?
Well, siguro. Kasi mas nalalabas mo ang sama ng loob mo.
Naalala ko dati hirap ako kasi parating naiipon lang sa puso ko ang sakit na nararamdaman ko.
Ngayon, mas nagiging ok na ko.
O siguro nahawa na lang ako sa bf ko kasi mas mababaw ang luha nun. Iniiyakan ang mga palabas sa TV at kung ano pang mas mababaw na bagay.
Pero, proud ako para sa kanya kasi hindi siya tulad ng ibang lalake na ayaw magpakita ng emosyon.
Ah basta, kahit ano pa man ang maging issue o kalungkutan, kung talagang iyon lang ang makakatulong, e iiyak mo na lang.
Besides,
crying is healthy. :)
No comments:
Post a Comment